MENSAHE NG LUNETA: Salamat BINUNGKAL NILA AKO, SALAMAT AT MAY NAGMALASAKIT NA LINISIN AKO.

Saturday, May 7, 2016


Sa kabila ng ginawa  nilang pag molestiya sa lugar kung saan ginanap ang Grand Rally ni Mayor Duterte na kung saan ang dating maberdeng lupa ay kanilang inararo, binungkal at talagang hayagang sinira.sa layuning isabotahe ang malawakang rally na magaganap. Maliwanag na gusto nilang mahirapan mag lakad ang mga tao sa luneta. alam kasi ng mga kalaban na marami ang pupunta. kaya mas gusto yata nilang kapag sa sobrang tingkad ng araw ay masaya silang makita na ma alikabok ang lugar at kapag naman naulan ay magiging putikan ang lugar. hindi nga bat may bali balita pang sila di umano ay nag cloud seeding pa? sa kagustuhan yata nilang ulanin ang lugar. pero salamat sa ating dakilang Panginoong Diyos dahil ibiniyaya niya ang magandang Klima  sa grand rally kahapon.

Nais po nating balikan ang mga pangyayari sa pinaka simple nitong mensahe. ito po yung lugar Bago ang Grand Rally. Hindi na po tayo gumamit ng magandang view , sa dahilang gusto nating ipakita ang pinaka simleng anyo ng Luneta sa mga Tao. Isang Lugar na Pwede ka maupo at mahiga kahit wala ka nang dalang banig, dahil sa berde at makapal na pinong damo na nakatanim dito.



Pero Ginawa ng Mga kaaway ang kanilang bahagi upang mas lalong mamulat ang tao at  makita ang kasakiman sa kanilang Puso. Sa pinaka Hayag at Simple din nilang Pagwasak sa pinaka maliit nang respeto na maari pa sana nilang makuha mula sa mga tao. Winalang Halaga ang Makasaysayang Lugar at libingan ng Ating bayaning. saksi ang piping lugar. sa kanilang walang pag galang, pruweba na ang mga kaaway ay wala nang hinangad na mabuti sa bayan. ANO ang KASALANAN ng LUNETASA INYO? ano ang KAsalan ng Nanahimik na mga damo? na nagiging kanlungan at silungan ng mga langgam sa lugar na ito?  Ano ang Kasalanan ng Lugar sa Inyo?

''Pero salamat. dahil Ipinakita lalo ninyo kung sino kayo, binungkal niyo ang Lupang magiging sagisag ng taniman namin ng bagong punla ng pag asa. At dinilig namin ito ng aming matibay na pananampalataya at malinis na konsensiya, Muli naming Patutubuin ang mga damo sa Lugar na ito. At muling bubuhayin ang mga langgam na pinatay niyong nakatira sa Kasaysayan ng lugar na ito.''


Ang Luneta Ay Magiiwan ng isaang Makasaysayang Marka sa mga BUhay niyo,  isang mensaheng dapat niyong matanto. Sa kabila ng apoy na ibinagay niyo, kami ay aahon mula sa mga abong iniwan niyo. At  isang Matibay na emperyo ang isisilang sa lugar na ito. Taglay ang Dugo ng isang mandirigmang susupil sa mga ganid niyong puso. Isang pamahalaang lalagos sa kaibuturan ng inyong mga itim na dugo. dadalisay sa mga duming iniwan niyo. na lumapastangan sa kapurihan ng inang bayang minahal ng mga bayaning Pinatay niyo.

Ngayon pag masdan niyo ang aming pagtubo, mga binhing isinabog mula sa kanlungan ng parating na pag asa. sampung doble ng isandaang libong tao. Alay ang alab ng Puso para sa layunin ng pinag kaisahang pagbabago.


Akala ko IMPOSIBBLE na magkaroon ng malinis na lugar pagkatapos ng isang event. Nasa isip ko ang daming kalat. Yun kasi ang kinalakihan ko. Pero kinikilabutan ako na POSSIBLE pa la ang PAGBABAGO. Tignan mo lang ang VOLUNTEERISM ng mga tao at DISIPLINA para maglinis right after the rallies of Duterte. Kagabi, more or less 1MILLION ang nag rally. Napakalinis ng Luneta pagkatapos nung event. Mabuhay tayo!



Salamat Luneta, lalo mong pinatibay ang desisyon ko. Dahi sayo, mas lalo kong nakita ang liwanag ng daang tatahakin ng mga kababayan kong pumarito.

Salamat, at nakilala ko na din kung sino ang kakampi mo at kaaway mo, Salamat dahil natutunan ko ang isang aral matapos ang gabing dumalaw ako sayo.

Dama ko ang Simoy ng hanging Ibinigay mo, Ang Amoy ng kasaysayan at ang alingawngaw ng Putok ng Baril na lumagos sa katawan ng bayani ko.

Isang alala, nagdala sa akin upang muling pagningasin sa puso ko ang pag-ibig sa bayan ko.

D-30 - tumindig ang Balahibo ko, at nakita ko ang Buwan ng kamatayan ng bayaning nakahimlay sa lupa mo.

At Nalaman ko, sa mga oras na iyon. Hindi aksidente ang Lugar na ito. Kundi isang Milagrong nag lakbay sa mahabang panahon upang ipabatid sa bagong mundo. na ang kalayaan ay hindi pa natatamo. Parating pa lang ang bukangliwayway na pangako

DU30- Salamat at Pinagtibay mo ang Alala ng LUNETA sa Puso ko.





1 comment:

  1. Napakaganda mo pa rin Luneta... kahit na bigla nilang inalis ang berde mong kagandahan... naging saksi ka naman ng mga pusong puno ng pagmamahal sa bayan... Totoong isa kang bahagi ating ng kasaysayan at ngayon ay imahen ng panibagong simula ng Inang bayan. New Philippines

    ReplyDelete

 
Copyright © 2016. World News Portal.

Creative Commons License