Isa po ako sa bumoto sa inyo noong halalan. naniniwala ako sa inyong kakayahan bilang isang mahusay na bahagi noon sa gabinete ng Aquino Administration. Isinugal ko ang boto ko sayo, kapalit nang hindi ko pag pili kay PACQUIAO. nilaglag ko din ang isang SOTTO para lang makapasok ka sa Senatorial Line up.
Noon pa man alam kong hindi ka na pabor sa Death Penalty. Saludo ako sayong paninindigan. Siguro kung ilalagay ko ang sarili ko sa iyong katayuan. Marahil ang posisyon ng iyong puso ay tumatangi sa Death Penalty dahil sa Espiritwal na katangian.
Ayaw mo ang DEATH Penalty dahil labag ito sa Human Rights. Pareho po tayo. Na mataas ang Pag gagalang sa Mga Karapatan.
Pero pwede niyo din po bang Pakinggan ang Ilang Paglalambing namin?
Ako ay isang Babae, itago niyo na lamang po ako sa Pangalang ''ROSE'' isa po akong Dentista. At naging biktima ng RAPE, ako ay napagsamantalahan ng hindi ko kilalang mga lalake. nasa trabaho ako noon. araw ng biyernes. Pinasok nila ang aking klinika at Tinangay ang mga gamit na mapapakinabangan nila. hindi nakuntento ako ay kanila pang pinag samantalahan.
Walang CCTV ang aking Clinic. Masakit sa akin ang nangyari, Pero nag papasalamat ako sa Panginoon dahil ako ay hindi nila Pinatay. Hindi ko sila namukhaan. may takip ang kanilang mukha.
Inisip ko noon. Kung mag susumbong ako. isang malaking eskandalo. ang aking kakaharapin. Kaya pinili ko na lang manahimik,
Mali yun. Alam ko! dapat hindi ako nanahimik. Katulad ng paraan na ikaw ay handang protektahan ang karapatan ng mamamayan. Parehong Dahilan na kailangan ko ding depensahan ang aking kahihiyan.
DEATH PENALTY. sino po ba ang iyong Pino Protektahan? Ang Karapatan ng isang Kriminal?
Oo. Karapatan nilang Mabuhay, Karapatan nilang Ipag tanggol ang kanilang sarili.
Karapatan din ng mga Kriminal na Umulit ulit sa pag gawa ng katarantaduhan dahil may batas na mag tatanggol sa kanilang Karapatan.
Ang isang Kriminal na Sinira ang dangal at Puri ng isang Babae, maaring MABALIW dahil hindi kinaya ang Phobia sa karahasang Dinanas
Ang Isang DRUG PUSHER na Libo Libo ang Sinasakal na Kabataan. Maaring masira ang Kinabukasan Dahil sa Pag gamit ng Illegal na Droga
DEATH PENALTY: Kung hindi ka isang UTAK KRIMINAL bakit ka matatakot sa parusang ito Senator DELIMA?
Kung sa iyong pamilya mangyari ang karahasan? babuyin ang Katawan mo ng dalampung kalalakihan na bangag sa droga, damay pati mahal mo sa buhay? ano ang mararamdaman mo?
Bago mo tuligsahin ang ugat ng PARUSA kailangan Makita mo din ang UGAT kung bakit ito kailangang idikta.
Ang Pangil ng ating batas ay napaka purol sa ating bansa, bukod sa ang mga kriminal ay nagtatago sa bestida ng isang anesthesia. at ito ay sinasabi nyong ''HUMAN RIGHTS''
Paano naman ang HUMAN RIGHTS ng mga NAPATAY? NAGAHASA? nasira ang BUHAY? PAANO NAMAN ANG HUMAN RIGHTS ng isang katulad kong piniling manahimik dahil mas iningatan ang reputasyon at natakot na pag usapan at mabilad sa kahihiyan?
SENATOR DELIMA. at sa iba pang CONGRESISTA sa bagong administrasyong Duterte,
KUNG HINDI MAN PUMASA ANG BATAS NA ITO.
sa tingin mo PAPAYAG PA ANG MGA TAO na basta basta na lang MAKATAKAS ANG MGA AKUSADO DAHIL SA PAG KUKUNSINTI NYO?
Nag kakamali kayo,
DAHIL KUNG PLANO NIYO NA RIN LANG GAWING SANGKALAN ANG HUMAN RIGHTS PARA ANG MGA KRIMINAL AY MAG PAKARAMI AT LALONG MAGING DEMONYO
PANAHON NA PARA ANG BATAS , na IPINAG KAKAIT NIYO AY SA AMING MGA KAMAY DUMAAN MISMO
YUN BA ANG GUSTO MO? senator DELIMA?
Ang Mas Magulong KARAHASAN NA MAMAMAYAN MISMO ANG HUHUSGA SA KRIMINAL at hindi na pAAbutin sa HUSGADO?
HINDI BULAG ANG BAYANG ITO,
AT HINDI RIN MANHID ANG AMING MGA PUSO
HINDI NAMIN IBINOTO ANG ISANG DUTERTE PARA LANG MAGING MAPUROL ANG BATAS NG BAYANG ITO
NGAYON PA LANG. SA LAHAT NG KOKONTRA SA DEATH PENALTY.
HINDI NIYO MAN IBIGAY ANG BATAS NA ITO.
Sinisiguro namin ito sa inyo.
PANGIL SA PANGIL. AT NGIPIN SA NGIPIN ANG SISINGILIN NAMIN SA MGA MAPAPATUYANG LALASPATANGAN SA BATAS NA BINABABOY NIYO!
Kung ang ISANG Kriminal sa kanyang pamumuhay ay naging malaya. at gumawa ng isang daang bilang ng Krimen. Pumatay, nanggahasa, nagnakaw, umapi ng kapwa. At sasailalalim sa pag susuri pagkatapos ng kamatayan niya. Makatarungan kaya na ang kriminal na ito ay Patawarin?
OO. pwede siyang patawarin. dahil siya naman ay patay na. walang halaga na ipunin pa ang sakit dahil siya ay wala ng damdamin dahil pumanaw na. Lalong siya naman ay hindi na makaka panakit pa
Kung Ang Pagpapatawad ang paraan upang ang kriminal ay maabswelto sa kasalanang nagawa niya. SA batas ng TAO bakit hindi pwedeng ibigay sa kanya? at pipigilan mo ang pagkakataong mapatawad siya? dahil sinasaklolohan mo siya sa ilalim ng batas na siya ay lalong tignan ng tao na masama?
Ang Kamatayang parusa: Sana ay Makita niyo din ito bilang isang instrumento upang mag hilom ang mga biktima at handang magbigay ng awa at pagpapawad sa kasalanang nagawa sa kanila.Maibigay din sana at makita ang karapatan nila,.. maramdamang sila ay tao pa na kayang umibig, magpatawad..at magsimula.
Ang Kamatayang Parusa: Ang buhay ay HIndi nagtatapos sa pag lagot ng kanyang hininga, dahil mananatiling buhay ang espirito ng kasamaan niya sa alala ala ng mga biktima.
Subalit Maaring mabago ito. maaring mapatawad pa ito. sakaling tapusin ang buhay niya sa halaga ng inutang niya. sa halaga ng buhay na sinira at nilapastangan nila. Sa HALAGA ng BUHAY at KALULUWANG PINATAY NILA HABANG HUMIHINGA
Alin ang mas Masahol na Kamatayan. ANG isang Minutong Kalyo ng lubid? o ang DEKADA ng mga taon na ang PUSO at Buhay ng mga BIktima ay napuno ng GALIT at LIGALIG.Nabuhay na may Lamig at Natakot nang Umibig, masaklap HIndi na natutong magtiwala at Sa kapwa ay naging Laging galit.
SAnay Matauhan ka SEnATor DELIMA. Huwag mong Sayangin ang Boto ng mga TAO sa Pinunong Tunay na magdadala ng makatarungang Hustisya.
SANA WALANG EXEMPTED DHIL PRESIDENTE, SPOKESPERSON OR LAWYER NG MGA PAMILYANG PUMAPATAY GAYA NG NANGYARI SA MAGUINDANAO, UNG MGA ANAK NG MAYAYAMAN NA SIYANG GUMAGAWA NG KARUMALDUMAL DAHIL MAKAPANGYARIHAN ANG AMA O INA, MGA NPA, MGA INTSIK NA GUMAGAWA NG DROGA. SANA AY UMPISAHAN NA AGAD NI DUTERTE SIMULA SA KANYANG SARILI.
ReplyDeleteSANA WALANG EXEMPTED DHIL PRESIDENTE, SPOKESPERSON OR LAWYER NG MGA PAMILYANG PUMAPATAY GAYA NG NANGYARI SA MAGUINDANAO, UNG MGA ANAK NG MAYAYAMAN NA SIYANG GUMAGAWA NG KARUMALDUMAL DAHIL MAKAPANGYARIHAN ANG AMA O INA, MGA NPA, MGA INTSIK NA GUMAGAWA NG DROGA. SANA AY UMPISAHAN NA AGAD NI DUTERTE SIMULA SA KANYANG SARILI.
ReplyDelete